SAMA-SAMA
Mula noon hanggang ngayon
Laging sama-sama saan man magpunta
Walang ibang ina-alala kundi isa’t isa
Kami’y matibay talaga
Ano mang pagsubok sa buhay daraan
Amin ‘yang malulutasan
Dahil iyan ang aming samahan
Na tiyak naming magpakailanman
Cho.
Ooh... magkakasama
Lahat ay masaya kahit may problema
Ooh.. ibang iba ang aming pagsasama
Na di kailanman mawawala
Kahit na butas ang aming bulsa
Di naman ‘yon mahalaga
Kung sakailng wala nang pag-asa
Di bale may Diyos na dakila.